Mga linyang nakalilito, nakahihilo
May kanan diyan, may kaliwa dito
Haynako, ang buhay ng tao
Puro tanong, paano iyan, paano ito?.
Tayong tao na may sumpa ng laya
Bawat piliin ay nararapat na itugma
Sa mundong nagpupumilit na umikot ng tama
Gamit ang mabibigat na linyang pahiga, pahaba.
Mabibigat na linya na siyang sumakal, nagkulong
Sa nagkalat na pakurbang tanong
Na nagging mga binging bulong
Hanggang sa isip ay din a muli umugong.
Sana tumakbo ng mabilis ang panahon
May makakita ng mundong ikinahon
Maghukay sa kamalayang ibinaon
At ibalik ang mga tanong na itinapon.
(Source: cesenshaw.tumbrl.com)
Design by Simon Fletcher. Powered by Tumblr.
© Copyright 2010